Ang
kamalayang pangkasarian,
kamulatang pangkasarian,
kabagayang pangkasarian,
kaakmaang pangkasarian, o
oryentasyong seksuwal ay naglalarawan sa isang nagtatagal na nakagawian o padron ng pagkaakit - pangdamdamin, romantiko, seksuwal, o ilang pagsasama-sama ng mga ito - sa katumbas na
kasarian, sa katulad na kasarian, sa kapwa kasarian, o wala sa anumang kasarian, at ang mga kasariang umaagapay sa kanila. Sa pamamagitan ng kasunduan ng organisadong mga mananaliksik, ang mga pagkaakit na ito ay ginawang kabahagi sa ilalim ng
heteroseksuwalidad,
homoseksuwalidad,
biseksuwalidad, at
aseksuwalidad. Ayon sa Amerikanong Asosasyong Pangsikolohiya, tumutukoy din ang oryentasyong seksuwal sa pandama ng "pagkakalinlanlang personal at panlipunan" ng isang tao "batay sa mga pagkaakit na iyon, mga kaasalan ng pagpapadama ng mga iyon, at kasapian sa isang pamayanan na nakikisalo sa mga ito." Ang katagang
preperensiyang seksuwal o
kagustuhang pangkasarian ay malakihan ang pagkakasalabat sa kamalayang pangkasarian, subalit naipagkaiba sa pananaliksik na pangsikolohiya. Ang taong kumikilala sa kanyang sarili bilang biseksuwal, bilang halimbawa, ay gusto ang isang kasarian higit sa isa. Maaari ring imungkahi ng "kagustuhang pangkasarian" ang isang antas o degri ng kusang pagpili, na pinagtatalunan batay sa pormasyong seksuwal o paghulmang pangkasarian.