Ang pH (nangangahulugang porsyento ng hidroheno) ay sukat ng kaasiman (acidity) ng isang solusyon ayon sa kilos ng mga iong hidroheno (H+) (hydrogen ions) sa loob nito. Sa mga malabnaw (dilute) na solusyon, mas madaling gamitin ang molaridad (mol/L) ng mga ion ng hidroheno kaysa sa aktibidad nito (subalit hindi angkop ito sa mga matatapang na konsentrasyon [1] [2] ). Sa mga sistemang tubigin (aqueous systems), ang kilos ng iong hidroheno ay dinidiktahan ng konstant ng disosasyon ng tubig (Kw = 1.011 × 10-14 M2 sa 25 °C) at pagniniig sa ibang mga ion sa solusyon. Dahil sa konstant ng disosasyon na ito, ang isang neutral na solusyon (ang aktibidad ng iong hidroheno at iong hidroksido (hydroxide) ay magkatumbas) ay may pH na halos katumbas na 7. Ang mga solusyong tubigin (aqueous solution) na may pH na mababa sa 7 ay tinatawag na asidiko (maasim) habang ang may pH na mahigit sa 7 ay basiko (mapakla).