Ang
pabo (Ingles:
turkey, Kastila:
pavo) ay isang uri ng
ibong kinakain ng tao. Kabilang ito sa mga tinatawag na ibong
pampoltri. Ang pabo ay isang malaking ibon na nasa
saring Meleagris. Ang isang
espesye nito, ang
Meleagris gallopavo, na karaniwang nakikilala bilang pabo ng kalikasan/pabong
labuyo o pabo ng ilang ay katutubo sa mga
kagubatan ng
Hilagang Amerika. Ang pabong domestiko (pabong domestikado) ay isang inapo ng espesyeng ito. Ang isa umiiral pa ring espesye ay ang
Meleagris ocellata na katutubo sa mga kagubatan ng Tangway ng Yucatán.