Ang
iniisip,
naiisip, o
diwa, mula sa mga salitang
isip at
isipan, ay ang mga hubog, hugis, at anyong nalilikha sa
isipan, sa halip na mga pormang napagmumulatan, napapansin, o napagmamasdan sa pamamagitan ng limang mga
sentido o
pandama. Ang naiisip o
pag-iisip ay mga proseso kung saan ang mga imahinaryo o nasa isip lamang na mga persepsyon ay bumabangon o lumilitaw at namamanipula o napapagalaw o "nahahawakan". Nakapagpapahintulot ang pag-iisip sa mga nilalang upang imodelo o ihuwaran o lilukin ang mundo at katawanin ito ayon sa kanilang mga layunin, mga plano, mga balak, at mga nais o kagustuhan. Katulad na mga konsepto at mga proseso ang
kognisyon o paglilimi (pag-unawa),
kamalayan, kamukatan, kamuwangan,
damdamin, mga ideya, at imahinasyon. Kaugnay ito ng mga salitang
pag-iisip,
akala,
ala-ala,
hinagap,
hinuha, salamisim, gunam-gunam, taki-taki,
gunita, konsepto, nosyon, at
paniniwala.