Ang
pagbubuwis (mula sa Latin na
taxo = "tinataya ko" o "tinatantiya ko") ay ang pagpapataw ng isang pananagutang pampananalapi o ibang kapatawan sa isang
tagapagbayad ng buwis (isang indibiduwal o katauhang legal) mula sa isang estado o isang pantungkuling katumbas ng isang estado, na kung saan ang pagkabigong magbayad ay mapaparusahan ng batas. Samakatuwid, ang
buwis ay ang
pera o
salaping dapat bayaran ng mga tao sa
pamahalaan.