paghaliling apostoliko


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Paghaliling apostoliko
Ang paghaliling apostoliko o apostolic succession ang inaangking ang hindi napatid na sunod sunod na mga paghalili mula sa apostol hanggang sa sa mga sunod sunod na obispo ng isang simbahan. Ito ay inilarawan ng Arsobispo ng Canterbury na si Michael Ramsey(1961-1974) bilang:
  • Ang isang obispong humahalili sa isa pa sa parehong sede ay nangangahulugang may nagpapatuloy na katuruan: "Bagaman ang simbahan sa kabuuan ang tapayan na pinagbubuhusan ng katotohan, ang mga obispo ay mahalagang kasangkapan sa pagsasagawa ng gawaing ito".
  • Ang mga obispo ang mga kahalili ng mga apostol sa kadahilanang ang "mga katungkulang isinasagawa nila ng pangangaral, pangangasiwa at pagoordina ay katulad ng ginawa ng mga apostol.
  • Ito ay nangangahulugang ang biyaya ay naipasa mula sa mga apostol sa bawat henerasyon ng mga obispo sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay.
Isinaad ni Ramsey na ang huli ay kontrobersiyal dahil ang doktrinang ito ay hindi matatagpuan bago ang panahon ni Agustin ng Hipona.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.