Ang
paghuhubog ng katawan ay isang uri ng modipikasyon o pagbabago ng katawan na kinasasangkutan ng lubos o matinding paglaki ng mga masel. Tinatawag na
naghuhubog ng katawan,
manghuhubog ng katawan,
tagahubog ng katawan, o
tagapaghubog ng katawan ang isang taong nakikilahok sa ganitong gawain. Sa larangan ng paligsahan ng paghuhubog sa katawan, ipinapakita ng mga naghuhubog ng katawan ang hitsura ng kanilang mga katawan sa harap ng isang lupon ng mga hurado na nagtatakda ng mga puntos batay sa kaanyuan. Inililitaw ang mga muskulo sa pamamagitan ng pinagsama-samang pagkawala o kawalan ng taba, pagkakaroon ng langis, at pagkukulay-kayumanggi ng balat sa pamamagitan ng pagbibilad sa araw o paggamit ng mga losyong pampakayumanggi ng balat na kapag iniharap sa liwanag ay nakapagpapainam ng paglalarawan ng mga pangkat ng masel. Kabilang sa mga tanyag na tagagpaghubog ng katawan sina
Arnold Schwarzenegger, Lou Ferrigno, at Charles Atlas. Sa kasalukuyan, si Dexter Jackson ang may tangan ng pamagat na Mr. Olympia, bilang pangunahing manghuhubog ng katawan sa daigdig.