Tungkol sa pagkain na isang sustansya ang artikulong ito. Tingnan ang pagkain (aktibidad) para sa impormasyon tungkol sa pagkain bilang isang aktibidad.
Ang pagkain ay anumang sustansiya na karaniwang kinakain o iniinom ng mga may buhay na organismo. Kabilang sa katagang pagkain ang mga likido na inumin. Isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng enerhiya at ng nutrisyon para sa mga hayop, at karaniwan galing ito sa mga ibang hayop o halaman. Agham ng pagkain ang tawag sa pag-aaral ng pagkain. Ang ay ipinagdiriwang taon-taon tuwing Oktubre 16.