Ang
pagkamakabansa o
nasyonalismo ay isang kataga na tumutukoy sa isang doktrina o kilusang politikal na pinanghahawakan na may karapatan ang isang
bansa—kadalasang binibigyan kahulugan sa etnisidad o
kultura-na magbuo ng isang
malaya o awtonomong pamayanang politikal na nakabatay sa isang magkakatulad na kasaysayan at karaniwang patutunguhan. Ito rin ang ideyolohiyang pampulitika at sentimyento o damdamin bumubugkos sa isang tao sa iba pang mga taong may pagkakapareho sa kanyang
wika,
kultura o
kalinangan, at mga
kaugalian o
tradisyon. Bagaman nakapagpapasigla o nakapagpapanimula ito ng demokratikong politikal na pagbabago at repormang pangkabuhayan o pang-ekonomiya, kadalasang kinalalabasan o nagreresulta ito ng labis na
katapatan sa isang
estado na may tendensiyang maliitin ang isa pang
nasyon, kaya't maaaring maging obstakulo o balakid sa pandaigdigang kapayapaan at kooperasyon o pagkakaisa.