pagkatakot


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Takot
Tungkol ang artikulong ito sa pangkalahatang kahulugan ng takot. Para sa matinding takot, tingnan ang Pobya.
Ang takot ay isang pang-emosyon na tugon sa mga banta at panganib. Ito ang pangunahing mekanismo sa pagkaligtas ng buhay na nagaganap bilang tugon sa partikular na estimulo, katulad ng sakit o ang banta ng sakit. Iminungkahi ng mga sikologong sina John B. Watson, Robert Plutchik, at Paul Ekman na isa ang takot sa isang pangkat ng mga pangunahin o likas na emosyon. Kabilang sa mga pangkat ng mga emosyong ito ang kaligayahankalungkutan at galit. Naiiba ang takot mula sa kaugnay na katayuang pang-emosyon ng pagkabahala, na karaniwang nangyayari na walang kahit anumang panlabas na panganib. Karagdagan pa nito, may kaugnayan ang takot sa mga partikular na ugali ng pagtakas at pag-iwas, datapuwa't ang pagkabahala ay resulta ng mga banta na nakikita bilang hindi maiwasan o hindi mapigilan.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.