Ang pagkit, sera o waks (Ingles: wax) ay isang sustansiyang nakapagpapakintab at nagdurulot ng proteksiyon sa balat ng mga prutas at dahon ng mga gulay at ibang halaman. May mga pagkit din na nagmumula sa mga hayop, katulad ng tutuli mula sa loob ng tainga ng tao. May mga waks din na nanggagaling sa mga petrolyo at mineral. Mayroon ding mga sintetiko o gawang-tao.