paglalaro bago magtalik


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Laro bago magtalik
Sa pantaong kaasalang seksuwal, ang laro bago magtalik o romansa bago magtalik (Ingles: foreplay, literal na "paunang laro" bago maganap ang aktuwal na pagtatalik) ay isang pangkat ng matalik na sikolohikal at pisikal o pangkatawang mga galaw sa pagitan ng dalawa o mahigit pang bilang ng mga tao na sinasadya upang makalikha at makapagpataas ng pagkaantig o pagkagising na seksuwal. Maaaring kasangkutan ang laro bago ang ganap na pagtatalik ng sari-saring mga kilos o gawain, katulad ng pagdila ng pusod, paghipo, pagyakap, pag-uusap, at pagtukso (sa ganitong kaso, maaaring kabilangan ang panunukso ng mga paraan ng pagkapuno, tulad ng seksuwal na pagtangging nakahahalay). Itinuturing na laro bago magtalik ang lahat ng uri ng pampagising sa damdaming seksuwal, katulad ng kinakamay o ginagamitan ng bibig na pamumukaw sa mga sonang erotiko. Maaari ring ituring na romansa bago magtalik ang mga gawaing seksuwal na pagganap ng papel, petisismong seksuwal, at pati na pang-aalipin at pagdisiplina, pamamayani at pangangayupapa, sadismo at masokismo, bagaman maaari rin silang kinasasamahan o kinasasabayan na ng pagtatalik at hindi lamang nauuna sa aktuwal na pagtatalik.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.