Ang
paglikha ayon sa Genesis o
mito ng paglikha ayon sa Genesis ay naglalaman ng pangunahing
mito ng paglikha ng parehong relihiyong
Hudaismo at
Kristiyanismo. Ang mitong ito ay nilalaman ng unang dalawang mga kapitulo ng
Aklat ng Genesis. Ang unang kapitulo o kabanata ay naglalarawan ng pagkakaliha ng mundo ni Elohim ( na salitang Hebreo para sa
diyos) sa loob ng anim na araw(, ) sa pamamagitan ng salita ng diyos na humantong sa pagkakalikha ng
sangkatauhan at ang diyos ay nagpahinga, nagpala at nagpabanal ng
Shabbat (ikapitong araw). Ang ikalawang kapitulo ay naglalarawan kay
YHWH—na
personal na pangalan ng diyos ng Israel na lumikha ng unang tao na si
Adan mula sa alikabok(o alabok) ng lupa, iniligay ito sa
Hardin ng Eden at lumikha ng unang babae na si
Eba mula sa
tadyang ni Adan. Inilarawan ng skolar na si Robert Alter ang pinagsamang salaysay bilang "makapipilit sa katangiang arketipal nito, at pag-aangkop nito ng
mito sa mga layuning
monoteistiko".