Sa
batas, ang
paglilitis(sa Ingles ay trial) ay nangyayari kung ang mga partido sa isang alitan ay naghaharap upang magpresenta ng mga impormasyon sa anyo ng ebidensiya sa isang tribunal na isang pormal na lugar na may kapangyarihan upang pakinggan at ayusin ang mga pag-aangkin o alitan. Ang isang uri ng tribunal ang
korte. Ang tribunal na maaaring mangyari sa harap ng isang
hukom(judge), jury o ibang itinakdang tagalitis ay naglalayon na makamit ang isang resolusyon sa isang alitan. Kung ang paglilitis ay isinasagawa sa harap ng grupo ng mga hurado(jury) na miyembro ng
komunidad, ito ay tinatawag na
jury trial. Kung ang paglilitis ay inasagawa sa harap ng hukom lamang, ito ay tinatawag na
bench trial.