Ang
pagmamana ng katangian ay ang pagpapasa ng mga katangian ng mga magulang (o ng mga ninuno) papunta sa mga anak o supling. Isa itong proseso kung saan ang supling na
selula o
organismo ay nakakakuha o nagiging nakalantad sa mga katangian ng magulang nitong selula o organismo. Sa pamamagitan ng
pagkakamana ng katangian, ang mga pagkakaiba-ibang ipinapikita ng mga indibidwal ay maaaring maipon at makasanhi ng isang
uri upang sumailalim sa
ebolusyon. Sa larangan ng
biyolohiya, tinatawag na
henetika ang pag-aaral ng pagmamana ng mga katangian, na kinabibilangan ng larangan ng epihenetika. Kaugnay din ng pagmamana ng katangian ang tinatawag na
linya ng lipi o
guhit ng lahi o
pinaglahian.