pagmamanupaktura


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Pagmamanupaktura
Ang pagmamanupaktura (Ingles: manufacturing, Kastila: manufactura) ay ang gawain ng pagbago sa hilaw na materyal upang maging magagamit na mga produkto. Kinasasangkutan ito ng paghahanda, paghuhubog at pagbago ng mga materyal sa pamamagitan ng maraming mga paraan, katulad ng paggupit sa hindi kailangang mga piraso, pagpukpok, pagbanat, pagpapa-init, o ginagamitan ng mga kimikal. Maaaring paraanin sa makinarya sa pabrika ang mga materyal, o sa paraang mekanikal. Ang pagmamanupaktura ay may kaugnayan sa mga katagang paggawa, pagyari, pagtahi-tahi, o pagkatha-katha ng mga produkto na karaniwang ginagawa sa loob ng mga pabrika.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.