Ang
pagmimina ay isang proseso ng paghuhukay at pagkuha ng mga bagay mula sa lupa. Ang anumang materyal na hindi malilikha at mapapalago ay kailangang minahin. Ang pagmimina ng mga bagay mula sa lupa ay tinatawag na
ekstraksyon,
paghango, o
paghugot. Maaaring maging kabilang sa pagmimina ang paghango ng mga
metal at mga
mineral, na katulad ng
uling,
ginto,
pilak,
platinum,
tanso, at
bakal. Maaari rin namang iba pang mga bagay, katulad ng
langis at likas na gas. Ang taong nagmimina ay tinatawag na
tagapagmina,
tagamina,
mangmimina, o
minero.