Ang
libido, sa pangkaraniwang paggamit ng salita, ay nangangahulugang
simbuyo,
udyok,
gana o
pagnanasang seksuwal ng
tao; subalit may mas teknikal na mga kahulugang katulad ng mga matatagpuan sa mga gawain ni
Carl Jung na mas pangkalahatan o malawak, na tumutukoy sa libido bilang isang malayang malikhain o lakas, enerhiya, o gana ng isipan na kailangang ilagay ng isang indibiduwal patungo sa kaunlaran ng sarili o
indibiduwasyon. Sa pangkaraniwang pakahulugan, nagiging katumbas ito ng
libog,
kamunduhan,
pangungutog, o "kati ng
ari" (kagustuhang
makipagtalik).