Ang
pagpaparami o
reproduksyon ay ang prosesong biyolohikal kung saan nalalalang o nalilikha ang bagong indibidwal na mga
organismo. Isang pundamental na kasangkapang-katangian ng lahat ng nalalamang
buhay ang reproduksyon; umiiral ang bawat indibidwal bilang resulta o kinalabasan ng reproduksyon. Malawakang pinangkat ang nakikilalang mga metodo ng reproduksyon sa dalawang pangunahing tipo o uri: ang
seksuwal at ang
aseksuwal.