Ang
pagpapatiwakal o
pagpapakamatay ay ang intensyonal na pagkitil ng isang tao sa kanyang sariling buhay. Ang pagpapatiwakal ay maaaring dulot ng maraming bagay gaya ng
depresyon, kahihiyan, pagdurusa, kahirapan sa buhay, o mga di kanais nais na sitwasyon sa buhay ng isang tao. Halos isang milyon kada taon ang namamatay sa pagpapatiwakal na isa sa pangunahing dahilan ng kamatayan ng tao sa buong mundo. Halos 10 hanggang 20 milyon naman ang nagtatangkang magpakamatay kada taon.