Ang
panganganak,
pagsisilang,
pagluluwal, o
parturisyon (Ingles:
childbirth,
labor,
labour,
birth,
partus, o
parturition) ay ang kulminasyon o wakas ng panahon ng
pagdadalangtao o
pagbubuntis ng
babaeng tao na pinaglalabasan ng isa o marami pang bagong-silang na
sanggol mula sa
sinapupunan ng isang babae. May tatlong yugto ang pagluluwal sa bata: ang pag-ikli at pagluwang ng
sipit-sipitan, pagbaba at paglabas ng sanggol, at ang pagsisilang sa
inunan.. Sa ilang mga kaso, naisasagawa ang pagpapaanak sa pamamagitan ng paghiwang sesaryano, ang pagtatanggal ng
neonado o sanggol sa pamamagitan ng isang hiwang pangsiruhiya sa
puson, sa halip na sa pamamagitan ng panganganak na dumaraan sa
puke.