Sa mga larangan ng
arkitektura at
inhinyeriyang sibil, ang
konstruksyon o
paggawa ng gusali ay isang prosesong binubuo ng paggawa, pagtatayo, o pagbubuo ng
imprastruktura. Malayo sa pagiging iisang gawain, ang isang gawaing panggusali na malakihan ang sukat ay isang gawain ng paggawa ng maraming mga tungkulin at gawain na pantao. Sa pangkaraniwan, ang trabahong ito ay pinamamahalaan ng isang tagapamahala ng proyekto, at pinangangasiwaan ng isang tagapangasiwa ng konstruksyon, inhinyero ng disenyo, inhinyero ng konstruksyon o arkitekto ng proyekto.