Ang
pagdiin-pataas,
pagdiin-angat,
pagpiga-angat, o
pagtukol-taas (Ingles:
push-up o
press-up, dating tinatawag na
floor-dip) ay isang uri ng pangkaraniwang ehersisyong pagsasanay at pampagpapalakas na isinasagawa habang nakadapa, pahalang, at nakaharap sa sahig ang mukha, na iniaangat at ibinababa ang katawan sa pamamagitan ng mga
bisig. Pinauunlad ng
pagdiin-taas o
pagtulak-angat ang mga
muskulong pektoral at mga traysep, na ansilyaryong benepisyo sa
masel na deltoid, masel na serratus anterior, masel na coracobrachialis at panggitnang seksyon sa kabuuan. Isa itong payak na ehersisyong ginagamit sa sibilyang atletikong pagsasanay o
edukasyong pisikal at, espesyal na para sa kalusugang militar. Ginagamit din ito bilang parusa sa militar o sa palakasan o isport ng paaralan kapag nagkamali ang isang tao, at iba pa. Isa rin ito sa mga pangunahing ehersisyong
kalisteniko.