pagtulog


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Tulog
Ang tulog ay isang kalagayan ng pagpapahinga, na nagaganap sa mga hayop, kasama ang mga tao. Ang mga hayop na natutulog ay nasa isang katayuan ng walang kamalayan, o karamihan sa kanila. Karamihan sa mga masel na nakukontrol na may layunin o sinasadya ng mga hayop ay hindi masigla o hindi aktibo (hindi gumagalaw o hindi gumagana). Ang natutulog na mga hayop ay hindi tumutugon sa istimulo na kasingbilis ng kapag gising sila. Mas madaling nababaliktad ang tulog kaysa hibernasyon o koma. Natutulog ang lahat ng mga mamalya at mga ibon, at maraming mga reptilyaamphibian, at mga isda. Sa mga tao, iba pang mga mamalya, at karamihan sa iba pang mga hayop na pinag-aralan, ang madalas na pagtulog ay kailangan upang makaligtas o mabuhay, ngunit ang tiyak na layunin nito ay hindi pa malinaw at kinakailangan pa nito ang higit na pananaliksik. Nakasisiya rin ang pagtulog. Tinatawag na himbing ang malalim na pagtulog, bagaman tumutukoy din ang himbing sa letarhiya.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.