Ang
pako,
tagabas,
eletso, o
kaliskis-ahas (
fern sa Ingles) ay isang uri ng halaman na nabubuhay sa tabi ng ilog at sapa na may iba't ibang kaurian (sari-sari). Ginagamit sa ngayon ang pangkaraniwang tagabas para sa pag-aayos ng mga bulaklak para sa kasalan at iba pang pagdiriwang. May isang uri ng tagabas na nakakain at kilala rin ito katawagang
paku na karaniwang ginagawang
ensalada o talbos sa ginataang isada, suso o kuhol sa
Pilipinas.