Ang
Philippine Airlines, kilala din bilang
PAL, ay ang pambansang tagapaglipad sa himpapawid ng
Pilipinas. Ito ay ang unang tagapaglipad sa
Asya at ang pinakamatagal na sa industriya. Ang tirahan nito ay nasa
Lungsod ng Makati. Ang Philippine Airlines ay lumilipad sa mga lokal at pang-ibayong dagat na mga destinasyon. Sa taong 2005, ito ay lumilipad sa 25 na lugar sa
Pilipinas at tatlumpu't-isang lugar sa mga iba't-ibang bansa. Ang pinakapusod ng operasyon nito ay nasa
Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino sa lungsod ng
Parañaque. Ang mga pangunahing kakumpetisyon nito ay ang China Airlines at Japan Airlines.