Sa pilosopiya, ang palagay (Ingles: premise) ay pangungusap na ipinapalagay na totoo ayon sa paraan ng pagkakagamit nito sa isang pag-uusap, lalu na sa isang lohikal na pangangatwiran. Kailimitan na tuwiran ang pagkakabanggit sa isang palagay. Ang katumpakan ng katapusang pangungusap (conclusion) ay nababatay sa katumpakan ng mga palagay.