Ang
palay (genus
Oryza) ay isang halaman sa pamilya ng mga
damo na isang pangunahing pinagkukunan ng
pagkain ng mahigit sa kalahati ng
populasyon ng
tao sa buong mundo. Nababagay ang pagbubungkal ng palay sa mga bansang may mababang gastusin sa paggawa at maraming presipitasyon, dahil nangangailangan ito ng labis na paggawa at maraming tubig para sa irigasyon. Bagaman, maaaring tumubo kahit saan, kahit sa tabi ng matarik na burol. Ang palay ang ikatlong pinakamalaking pananim, pagkatapos ng
mais at
trigo. Kahit na tubo ito sa
Timog Asya at ilang bahagi ng
Aprika, naging karaniwan na sa maraming
kultura ang pagkalakal at eksportasyon nito sa mga nakalipas na mga
dantaon.