Ang
pag-iral,
pamamarati,
pamamalagi, o
eksistensiya (mula sa Ingles na
existence) ay kalimitang nangangahulugang "ang katayuan o kalagayan o katotohanan ng pagiging", ngunit maraming iba't ibang mga pananaw ukol sa kahulugan ng salitang ito, at kung paano ang
umiral. May kaugnayan ito sa salitang
pagkabuhay, "pagiging
buhay", o "pagiging may buhay". Kalimitan itong nakaugnay sa
pandiwa o
berbong "maging" katulad ng diwang ipinababatid sa sumusunod na mga pangungusap na ginagamit ng salitang
ay:
- Ako ay isang tao.
- Ito ay isang panulat.
- Ang langit ay bughaw.
- Ang apat na dinagdagan ng tatlo ay pito.