Ang
pamangkin ay tumutukoy sa isang
lalaking pamangkin (
nephew sa Ingles, na nagbuhat sa Pranses na
neveu), ang
anak na lalaki ng isang
kapatid o anak na lalaki ng asawa ng isang kapatid. Ito ang rin ang tawag para sa isang
babaeng pamangkin (
niece sa Ingles), ang anak na babae ng isang kapatid o anak na babae ng asawa ng isang kapatid. Tinatagurian ding mga pamangkin ang mga anak na lalaki at babae ng mga
kapatid sa kasal, bagaman walang kaugnayan sa dugo o hindi magkadugo. Ginagamit din ang salitang "pamangkin" bilang hindi pormal na katawagan para sa isang batang naging anak ng isang
pari. Tumutukoy din ang salitang
pamangkin para sa mga sumusunod:
- Pamangking lalaki (nephew), ang anak na lalaki ng isang kapatid na lalaki, kapatid na babae, o ng kanilang mga asa-asawa.
- Pamangking babae (niece), ang anak na babae ng isang kapatid na babae, kapatid na lalaki, o ng kanilang mga asa-asawa.
- Pamangking lalaki sa kasal o pamangking lalaki sa batas (nephew-in-law), ang anak na lalaki ng kapatid na lalaki sa kasal o ng kapatid na babae sa kasal.
- Pamangking babae sa kasal o pamangking babae sa batas (niece-in-law), ang anak na babae ng kapatid na babae sa kasal o ng kapatid na lalaki sa kasal.
- Pamangking lalaki sa ama o pamangking lalaki sa ina (step-nephew), ang anak na lalaki ng isang kapatid sa ama o anak na lalaki sa kapatid sa ina; o lalaking anak ng asawa sa naunang pag-aasawa (step-son) ng isang kapatid na lalaki o kapatid na babae.
- Pamangking babae sa ama o pamangking babae sa ina (step-niece), ang anak na babae ng isang kapatid sa ama o anak na babae sa kapatid sa ina; o babaeng anak ng asawa sa naunang pag-aasawa (step-daughter) ng isang kapatid na lalaki o kapatid na babae.