pamayanan


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Pamayanan
Ang katagang pamayanan o komunidad ay may dalawang magkaibang mga kahulugan. Ito ay maaaring isang pangkat ng nag-uugnayang mga tao, na nabubuhay na magkakalapit, na ang kalapitan ay ayon sa puwang, oras, o ugnayan. Ang pamayanan ay pangkaraniwang tumutukoy sa isang yunit na panlipunan o pakikipagkapwa na mas malaki kaysa sa isang tahananmag-anak, o pamamahay (kabahayan) na may pinasasaluhang karaniwang mga pagpapahalaga at may matibay na pagsasamahang panlipunan (kohesyong sosyal). Ang kataga ay maaari ring tumukoy sa pambansang pamayanan o sa pandaigdigang pamayanan (pamayanang internasyunal). Ang pangalawang pangunahing kahulugan ng pamayanan ay ang pagiging isang pangkat ng mga organismo, maaaring ibang hayop na bukod pa sa tao, na may interaksiyon o ugnayan na namumuhay at nagsasalo ng isang kapaligirang may populasyon.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.