Sa
heograpiyang politikal at pandaigdigang politika, ang isang
bansa ay isang pagkakahating politikal ng isang entidad pang-heograpiya, isang
soberanyang sakop, na mas karaniwang kumakabit sa mga kaisipang
estado o nasyon at
pamahalaan. Ang pormal na pagkikilala bilang estado ay nangangailangan ng pagganap ng teoriyang konstitutibo ng pagka-estado, na nangangilangan ng isang estado ng pagkilala mula sa ibang mga estado na, mula sa iyon, ay kinikilala rin ng ibang mga lehitimong estado, upang maging isang estado.