Ang
kwitis,
kuwitis,
pampasibad o
kohete (Ingles:
rocket, Kastila: ) ay isang sasakyan,
misil, o
salimpapaw tinatauhan (nasasakyan ng tao) katulad ng
Saturn V; o
hindi tinatauhan (hindi kailangang lulanan ng tao) katulad ng Hangin-sa-hanging misil na
Phoenix. Tumataas, umaangat, o pumapailanlang ito dahil sa palabas na sikad mula sa makina. Mas malaki ang sikad na ito kaysa
bigat ng behikulo kapag inihambing sa
timbang nito sa
mundo. Hindi nalilimitahan ng kakayanan ng tao ang mga walang taong kuwitis. Mas mabilis ang pagsibad ng mga kuwitis kaysa tulin ng tunog (Mach 1) at maaaring umabot sa mga bilis na Mach 5 at maging magpahanggang sa 30'000 km/hr kapag nasa
orbito.