Ang
panaginip ay ang pansariling karanasan ng mga guni-guning imahen, tunog/tinig, pag-iisip o pakiramdam habang
tulog, kadalasang di kusa. May kaugnayan ang panaginip sa mabilisang paggalaw ng mata (
rapid eye movement (REM) sa
Ingles) habang natutulog, isang magaang anyo ng pagtulog na nangyayari sa bandang huling bahagi ng pagtulog, na kinikilala sa mabilisang pahigang paggalaw ng mata, pagpukaw ng pons, pagtaas ng bilis ng paghinga at pagtibok ng
puso, at pansamantalang pagka-baldado ng
katawan. Maaari din na mangyari ito sa ibang bahagi ng pagtulog, bagaman hindi ito masyadong pangkaraniwan. Inaakalang may kaugnay ang
hypnogogia, na nangyayari ng kusa habang papalapit sa malalim na pagtulog, sa panaginip.