- Para sa ibang gamit, tingnan ang panahon (paglilinaw).
Ang
panahon o
kalagayan ng panahon ay ang paglalarawan sa kalagayan at katangiang
pangkalikasan sa labas ng
tahanan,
gusali o anumang
tirahan ng
tao,
hayop,
halaman at iba pang mga
nilalang, na ayon sa
singaw ng kalawakan o ng
atmospera ng
daigdig. Tumutukoy ito sa kainitan, katuyuan, kalamigan, kabasaan, katahimikan, pagka-maaraw, pagkamahangin, o pagiging maulan sa isang pook, sa isang takdang
oras, na maaaring magbago. Nararamdaman, naririnig, nakikita ng tao ang epekto ng panahon at maging ang pagbabago sa kalagayan nito. Nasusukat din ang panahon sa pamamagitan ng mga termometro,
barometro, barograpo, sikrometro o higrometro, panukat ng hangin, anemometro, at mga panukat ng ulan. Depende rin ang taya ng panahon sa pagdating ng kapanahunan ng
tag-init,
taglamig,
taglagas,
tagsibol at
tag-ulan.