pananahi


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Pananahi
Ang pananahi ay isang gawain o hanap-buhay kung saan pinagdurugtong ng isang dalubhasang mananahi ang mga tela o katad upang makabuo ng isang damit, sapatos, o anumang bagay na maisusuot o may iba pang paggagamitan. Tinatawag na modista ang babaeng mananahi na karaniwang sumusunod sa modang pangkasuotan ng panahon. Malimit na damit pambabae lamang ang tinatahi ng mga modista, katulad ng mga damit na pang-kasal. Samantalang sastre naman ang tawag sa lalaking mananahi na kalimitang gumagawa ng mga damit na panlalaki tulad ng polo, salawal, Barong Tagalog, at pantalon. Marunong ding magsulsi ang mga mananahi. Patahian ang tawag sa gawaang pag-aari ng mga mananahi.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.