Ang
paningin o
pananaw, kilala rin bilang
kamalayang pampaningin at
persepsiyong biswal, ay ang kakayanang makapaunawa o makapagpaliwanag ng kabatiran at mga kapaligiran mula sa epekto ng liwanag na nakikita na umaabot sa
mata. Ang kinalalabasang
kamalayan o
persepsiyon ay nakilala rin bilang
kakayahang makakita,
bisyon, o
kakayahang makatanaw (
anyong pang-uri:
biswal,
optikal, o
okular). Ang samu't saring baha-bahaging pisyolohikal na kasangkot sa paningin ay tinutukoy bilang isang pangkat sa katawagang
sistema ng paningin, at napagtuunan ng maraming pananaliksik sa
sikolohiya,
agham na kognitibo (agham ng paglilimi),
neurosiyensiya, at
biyolohiyang molekular (biyolohiyang pangmolekula).