Ang mga
Palarong Olimpiko (
Kastila:
Juegos Olímpicos;
Pranses:
Jeux Olympiques, JO;
Ingles:
Olympic Games) ay isang mahalagang pandaigdigang kaganapan na nagtatampok ng mga tag-init at tag-lamig na isport, kung saan mga libong atleta ay sumasali sa maraming uri ng palaro. Naitala ang
orihinal na mga Palarong Olimpiko (; ) noong 776 BC sa Olympia,
Gresya, at ipinagdiriwang hanggang AD 393.