Ang
panganay o
panganay sa magkakapatid (Ingles:
first-born,
eldest) ay ang katawagan para sa pinakamatandang kapatid, lalaki man o babae. Sa paggamit ng salitang ito sa
Bagong Tipan ng
Bibliya, na batay sa
katagang Griyego, hindi ito nagpapahiwatig na mayroon o nagkaroon ng mga
kapatid si
Hesus, bagkus ay ikinabit kay Hesus ang pangalan o pamagat na ito bilang isang "marangal na taguri" na may kaugnayan sa
Batas ni Moises. Bilang karagdagan, noong sinaunang panahon ay tinatawag ding "panganay" ang unang anak ng isang inang namatay dahil sa
panganganak.