Ang
pangangalagang pangkalusugan o
pangangalaga ng kalusugan (Ingles:
health care o
healthcare) ay ang pagpapanatili ng
kalusugang pang-isipan at
pangkatawan sa pamamagitan ng pag-iwas o paggamot sa mga sakit sa pamamagitan ng mga serbisyong inaalok ng propesyong pangkalusugan at ng mga tauhan nito. Kabilang sa pangangalagang pangkalusugan ang lahat ng makatuwiran at kailangang tulong na pangmedisina, pagsusuring pampanggagamot, paglulunas na pangmedisina, diyagnosis na medikal, mga ebalwasyong pangmedisina, at mga serbisyong pangmedisina. Ang karapatan sa
pagkalingang pangkalusugan ay itinuturing na isa sa mga
karapatang pantao sa piling ng internasyunal na batas na pangkarapatan ng tao, pati na kaseguruhang panlipunan (sosyal na seguridad).