Ang
kalakalan ay isang kusang palitan ng mga
produkto, serbisyo, o pareho. Tinatawag din ng kalakalan ang komersyo. Ang mekanismo na pinapahintulutan ang kalakalan ay tinatawag na
pamilihan. Ang pinagmulan ng kalakalan ay baligya, ang tuwirang palitan ng mga produkto at mga serbisyo. Ang mga makabagong mangangalakal ay nakikipagkasundo nang pangkalahatan sa halip, sa pamamagitan ng midyum ng palitan, tulad ng
salapi. Ang bunga nito ay ang paghihiwalay ng
pamimili sa
pagtitinda, o pag-iipon. Ang pag-imbento ng salapi (at sumunod ang salaping pautang, salaping papel at di-pisikal na salapi) ay nagpapagaan sa takbo ng kalakalan. Ang kalakalan na may pagitan ng dalawang mangangalakal ay tinatawag na kalakalang bilateral, samantala ang kalakalan na may higit sa dalawang mangangalakal ay tinatawag na kalakalang multilateral.