panginoon


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Panginoon
Ang panginoon (Ingles: lord, master) ay isang titulo o pamagat ng paggalang sa isang taong may dugong maharlika. Ginagamit itong pantawag sa Diyos, mga hari, may-ari ng manor, baron, anak ng duke o hukom ng Britanya. Kaugnay ng sa antas ng mga tao, nangingibabaw, naghahari, mas may kapangyarihan o may dominasyon sa ibabaw ng karaniwang tao ang isang panginoon. Tinatawag ding maestro ang isang panginoon dahil sa siya ang may kapangyarihan o may kontrol sa iba. Kapag ginamit patungkol sa Diyos, ito ang pagpapakitang may kapangyarihan ang Diyos sa ibabaw ng lahat ng mga bagay. Tinatawag ding panginoon si Hesus ng kanyang mga tagasunod, katulad ng kanyang unang mga alagad, upang ipakahulugang si Hesus ang may kapangyarihan sa lahat ng mga bagay.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.