pangkalikol


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Pangkalikol
Ang pangkalikol (Ingles: probe) ay isang kagamitan o kasangkapang ginagamit sa anumang uri ng pagsusuri, panggalugad, pagsisiyasat, pananaliksik, pagsasalakab, o imbestigasyon. Isang halimbawa nito ang isang maliit na patpat, o anumang katulad, na ipinapasok at iniikot sa loob ng isang butas. Sa larangan ng panggagamot, isa itong balingkinitan o matalaghay na baretang yari sa pleksible o naibabaluktot ngunit hindi nababaling metal, na ginagamit upang suriin ang kapaligirang nasa loob ng likas o patolohikal na mga sugat, uka, hukay, o butas, at lagusan sa katawan. Isang mapanganib na instrumento ang pangkalikol na ginagamit sa larangan ng medisina, kaya't nararapat na gamitin lamang ito ng mga dalubhasa sa paggamit nito. Nagmula ang salitang pangkalikol mula sa salitang-ugat na kalikol, na katumbas ng mga salitang katikot at kalikot.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.