Ang
pangngalan ay salita o bahagi ng
pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng
tao, bagay, pook,
hayop, at pangyayari. Maaari din na ipakilala ng pangngalan ang isang kaisipan o konsepto Sa
linggwistika, kasapi ang pangngalan sa isang malawak, bukas na leksikong kategorya na kung saan ang mga kasapi nito ay nagiging pangunahing salita sa isang simuno ng isang
sugnay, bagay sa isang
pandiwa, o bagay sa isang pang-ukol.