Ang mga
instrumentong pangmusika,
instrumentong musikal,
kagamitang pangtugtog, o
kasangkapang panugtog ay mga kagamitan o kasangkapang ginagamit o tinugtog upang makalikha ng
musika o
tugtugin. Maaaring ituring bilang
kagamitang pangtugtugin o
kasangkapang pangtugtugin ang alinmang bagay na nakagagawa ng
tunog, subalit pangkalahatang nangangahulugan ang parirala na mga bagay na espesipiko, partikular, o tiyakang gumagawa ng musika. Maipepetsa ang kasaysayan ng mga
pangmusikang instrumento mula sa mga simulain ng kalinangan ng tao. Tinatawag na
organolohiya ang akademikong pag-aaral ng mga instrumentong musikal.