Ang
editoryal o
pangulong-tudling ang pangunahing tudling ng kuru-kuro ng isang
pahayagan. Kumakatawan ito sa sama-samang paninindigan ng patnugutan ng pahayagan kaya sinasabing kaluluwa ito ng publikasyon. Layunin nito sa pagbibigay ng kuru-kuro ang magpabatid, magpakahulugan, magbigay-puna, magbigay-puri,
manlibang at magpahalaga sa natatanging araw.