- Kaugnay ito ng anatomiya. Para sa panlagay sa pagkain, tingnan ang pampalasa.
Ang
sistemang panglasa (Ingles:
gustatory system) ay ang
sistemang pandama para sa pandama ng
lasa (
panlasa o gustasyon). Kilala rin ito bilang
sistemang gustatibo at
sistemang gustatoryo. Karaniwang binabanggit ang sistemang panlasa na kasama ng
sistemang pang-amoy bilang kasapi ng mga
pandamang kemosensoryo dahil kapwa naglilipat (transduksiyon) sila ng mga kimikal na senyal upang maging
persepsiyon. Ito ay isang pakiramdam na nalilikha kapag ang isang sustansiya sa bibig ay gumanti sa mga taste buds. Ang panlasa, kasama ang pang-amoy at pakiramdam na panghipo, ay nagtitiyak ng lasa na pangpakiramdam na impresyon sa mga
pagkain at ibang mga sustansiya.