Ang
bangka ay isang sasakyang ginagamit sa paglalakbay sa
tubig. Mas maliit ito kaysa isang
lantsa,
yate,
barko o
bapor. Ilang mga bangka ang may mga
layag, ngunit may ilang ginagamit ng mga sagwan upang umusad, at may ilan pa ring ginagamitan ng mga
motor. Karamihan sa mga karaniwang bangka ang yari sa
kahoy, subalit may ilang mga bahagi gawa sa metal tulad ng
bakal at
aluminyo. May mga mamahaling mga bangkang may bahaging yari sa
salaming pibra o kaya kompositong materyal. Kabilang sa ibang tawag o halimbawa ng bangka ang
lunday,
batel,
para,
baroto,
binta (mula sa
vinta),
biniray,
kumpit,
kasko,
kalalos, o
palwa bangkilas. Natatawag ding bangka ang lalagyan ng pagkaing kahugis ng bangka, katulad ng ginagamit para sa sorbetes na may saging (kilala sa Ingles bilang
banana boat).