Ang pamamaraang makaagham o pamamaraang siyentipiko (Ingles: scientific method) ay kalaguman ng mga tekniks sa pagsusuri ng mga balagha, ang paglikom ng bagong kaalaman, ang pagtutuwid at pagsasakatuparan ng mga nakalipas ng kaalaman. Batay ito sa mga ebidensyang namamatyagan, empirikal, nasusukat at sumasailalim sa mga matuwid na prinsipyo.