Ang
paraon (Ingles:
Pharaoh) ay isang tagapaghari sa
sinaunang Ehipto. Isa itong pamagat-pantao na iniuukol lamang para sa lahat ng mga naging
hari ng
Egipto. Subalit, ang salitang ito ay dating katawagan para sa tanggapan o luklukan ng pagkahari sa Bagong Kaharian ng Matandang Ehipto. "Magiting na Kabahayan" ang tunay na kahulugan nito, bilang pagtukoy sa palasyo ng hari, subalit lumuwag at lumabo ang kahulugang ito nang lumaon, hanggang sa naging kapalitan ng salitang "hari". Bagaman karaniwang mga lalaki ang mga namuno sa kaharian ng Ehipto, ang pamagat na faraon ay ginagamit din, ngunit hindi madalas, sa babaeng naging pinuno. Ayon sa kasaysayan ng Ehipto, pinaniniwalaan na ang mga babaeng naging faraon o hari ay ang pagbabalik at muling-pagkabuhay ng diyos na si
Horus. Ang katawang tao ng babaeng-hari ang pinaka-
reinkarnasyon ng diyus-diyosang ito.